ABB CODE OF CONDUCT
MENSAHE MULA SA ATING EXECUTIVE COMMITTEE
Bilang isang pandaigdigang kumpanya ng teknolohiya, tinutulungan natin ang mga industriya na gumana nang mahusay upang maging mas produktibo, episyente, at mas makakalikasan, para mas gumaling pa.
Para magtagumpay, naniniwala tayo sa isang kultura na mahusay magtrabaho at may mataas na integridad, na nakabatay sa katapangan, malasakit, pag-usisa, at pakikipagtulungan. Ibig sabihin, hindi lang tayo gumagawa ng mahusay na trabaho, tinitiyak din nating ginagawa natin ito sa tamang paraan. Ang bawat desisyon at kilos natin ay dapat nagpapakita ng ating mga values at ng ating paninindigan sa integridad, pananagutan, at pagiging bukas.
Ang ating Code of Conduct ay nagtatakda ng mga pamantayang inaasahan natin sa lahat ng nagtatrabaho para sa o kasama ng ABB. Tinutulungan tayo nito na gumawa ng tamang desisyon. Sinusuportahan nito ang lugar ng trabaho kung saan ang lahat ay ginagalang, ligtas at may pagtanggap maging sila man ay empleyado, kontraktor, kustomer, kasosyo, o miyembro ng mga komunidad na ating pinaglilingkuran. Binibigyan din tayo nito ng lakas ng loob na magsalita kung naniniwala tayo na may aktwal o posibleng paglabag sa ating Code, mga patakaran ng ABB, o sa batas, upang maprotektahan natin ang isa’t isa at ang ABB.
Sa pagsasabuhay ng ating Code at mga pamantayan sa araw-araw, natutulungan natin na maging matagumpay ang ABB at ang ating mga kustomer, at nakakaambag sa ating layunin na magtaguyod ng isang sustainable at episyenteng hinaharap sa paggamit ng likas-yaman.
Ang Executive Committee
ANG ATING CODE SA ISANG SULYAP
Kumilos nang may integridad
- Kumilos nang may integridad
- Magtrabaho nang ligtas at sustainable
- Protektahan ang mga ari-arian at reputasyon
- Bumuo ng tiwala at hikayatin ang kultura ng malayang pagsasalita

Kumikilos tayo nang responsable at bukas sa lahat, at pinananagutan natin ang ating mga desisyon at kilos. Nakikipagtulungan lamang tayo sa mga partners na may kaparehong values at paninindigan.

Hindi natin kailanman kukunsintihin o makikibahagi sa pandaraya, panunuhol, o katiwalian.

Iniiwasan at sinisiwalat natin ang mga sitwasyon kung saan maaaring sumalungat ang ating personal na interes sa interes ng ABB.

Nakikipagkumpitensya tayo nang patas at independyente at sumusunod sa lahat ng batas sa antitrust at patas na kompetisyon.

Sumusunod tayo sa mga pandaigdigang regulasyon sa kalakalan at sa mga kinakailangan sa sanctions.

Nakikipag-ugnayan tayo sa pamahalaan upang suportahan ang mga layuning pangnegosyo ng ABB.

Pinahahalagahan natin ang mga tao at ang ating planeta. Nagtataguyod tayo ng mas ligtas at mas inklusibong mga lugar ng trabaho, iginagalang ang karapatang pantao, nagsisikap na mabawasan ang epekto sa kapaligiran, at nagdudulot ng positibong pagbabago sa mga komunidad kung saan tayo nag-ooperate.

Pinahahalagahan natin ang isang lugar ng trabaho na magkakaiba at isang inklusibong kultura.

Nagsusumikap tayong mabawasan ang ating epekto sa kapaligiran at makapag-ambag sa isang hinaharap na mababa ang carbon.

Pinahahalagahan natin ang kaligtasan at bukas nating tinatalakay ang mga panganib upang makabuo at mapanatili ang mas ligtas na mga lugar ng trabaho.

Nagsusumikap tayong magkaroon ng positibong epekto sa mga komunidad kung saan tayo nag-ooperate.

Sinusuportahan at iginagalang natin ang mga karapatang pantao at mga pamantayan sa paggawa sa lahat ng ating operasyon sa buong mundo.

May panangutan tayo sa pagprotekta sa mga ari-arian ng kumpanya, tulad ng sensitibong impormasyon, intelektwal na ari-arian, personal data, at mga kagamitan sa trabaho, laban sa maling paggamit, pagnanakaw, pagkawala, o pinsala.

Pinoprotektahan natin ang lahat ng kumpidensyal na impormasyon at intelektwal na ari-arian at inaasahan nating ganoon din ang gagawin ng iba.

Pinangangalagaan natin ang personal data at maingat natin itong hinahawakan, at inaasahan nating ganoon din ang gagawin ng iba.

Hindi natin ginagamit ang panloob na impormasyon tungkol sa ABB o sa ibang kumpanya para sa personal na pakinabang.

Itinatala at inirereport natin nang tama at malinaw ang ating impormasyong pinansyal alinsunod sa mga regulasyon at prinsipyo ng accounting.

Tayo ay nakikipag-ugnayan upang mapalakas ang ABB brand at maprotektahan ang reputasyon ng ABB.

Ginagamit natin ang teknolohiya ng impormasyon nang responsable.

Nakatuon ang ABB sa isang kultura ng pagiging bukas at malinaw, kung saan ang mga empleyado at stakeholder ay nakikibahagi sa tuwirang pag-uusap at nadarama ang ligtas na pagsasalita. Hindi natin pinahihintulutan ang anumang paghihiganti laban sa Speak Up reporting at nakatuon tayo sa pagsusuri at pagtugon sa mga naireport na paglabag.

Sa iyong pang-araw-araw na trabaho, maaari kang magtanong, makilahok sa tuwirang pag-uusap, at ibahagi ang iyong mga saloobin at alalahanin, kahit hindi komportable ang paksa. Kung hindi maresolba ng tuwirang pag-uusap ang sitwasyon, dapat kang humingi ng payo o suporta mula sa iyong line manager o HR Business Partner (HRBP).

Ireport ang mga paglabag sa Code, mga patakaran ng ABB, o sa batas sa pamamagitan ng ABB Speak Up Helpline o ibang channel ng pag-report. Kung tapat mong inereport ang isang alalahanin o paglabag, o tapat kang lalahok sa isang imbestigasyon, poprotektahan ka laban sa paghihiganti.