BUMUO NG TIWALA AT HIKAYATIN ANG KULTURA NG MALAYANG PAGSASALITA
Nakatuon ang ABB sa isang kultura ng pagiging bukas at malinaw, kung saan ang mga empleyado at stakeholder ay nakikibahagi sa tuwirang pag-uusap at nadarama ang ligtas na pagsasalita. Hindi natin pinahihintulutan ang anumang paghihiganti laban sa Speak Up reporting at nakatuon tayo sa pagsusuri at pagtugon sa mga naireport na paglabag.
BUKAS NA DIYALOGO
Sa iyong pang-araw-araw na trabaho, maaari kang magtanong, makilahok sa tuwirang pag-uusap, at ibahagi ang iyong mga saloobin at alalahanin, kahit hindi komportable ang paksa. Kung hindi maresolba ng tuwirang pag-uusap ang sitwasyon, dapat kang humingi ng payo o suporta mula sa iyong line manager o HR Business Partner (HRBP). Karamihan sa mga hindi pagkakaunawaan at alitan sa lugar ng trabaho ay hindi tungkol sa paglabag sa Code, mga patakaran, o sa batas, at pinakamainam na malutas sa pamamagitan ng bukas na pag-uusap.
SPEAK UP (PAG-UULAT)
Ireport ang mga paglabag sa Code, mga patakaran ng ABB, o sa batas sa pamamagitan ng ABB Speak Up Helpline o ibang channel ng pag-report. Ang mga report ay sinusuri nang kumpidensyal at hiwalay upang matiyak na maayos ang paghawak sa mga ito. Kung tapat mong inereport ang isang alalahanin o paglabag, o tapat kang lalahok sa isang imbestigasyon, poprotektahan ka laban sa paghihiganti.
MGA CHANNEL NG PAG-REPORT NG ABB
May ilang channel ang ABB para sa pag-report ng mga paglabag sa Code, mga patakaran ng ABB, o sa batas. Kung hindi ka sigurado kung dapat ireport ang isang alalahanin sa ABB Speak Up Helpline, makipag-ugnayan sa iyong line manager, HRBP, o sa Legal & Integrity team para sa payo. Maraming alalahanin ang maaaring malutas nang direkta sa pamamagitan ng bukas na pag-uusap.
Ang ating ABB Speak Up Helpline ay available 24/7 sa pamamagitan ng telepono o web para sa ABB at mga panlabas na stakeholder, at tumatanggap din ng mga anonymous na report.