KUMILOS NANG MAY INTEGRIDAD
Kumikilos tayo nang responsable at bukas sa lahat, at pinananagutan natin ang ating mga desisyon at kilos. Nakikipagtulungan lamang tayo sa mga partners na may kaparehong values at paninindigan.
Hindi natin kailanman kukunsintihin o makikibahagi sa pandaraya, panunuhol, o katiwalian.
Hindi tayo nag-aalok, nagbibigay, humihiling, o tumatanggap ng anumang may halaga—direkta man o hindi—upang makakuha ng hindi nararapat na pakinabang, para man sa personal o pangnegosyong dahilan, kahit pinapayagan pa ito ng lokal na kaugalian o batas.
Hindi tayo nagbibigay ng mga “facilitation” payments, tulad ng pagbabayad sa isang opisyal ng gobyerno, upang pabilisin ang pagkuha ng mga karaniwang serbisyong pampamahalaan na karapatan nating matanggap. Pinapayagan lamang ang mga bayad para sa personal na kaligtasan kung may tunay at agarang banta sa ating kaligtasan. Sa sandaling ligtas na tayo, agad nating ireport ang sitwasyon sa ating line manager.
Hindi tayo nagbibigay o tumatanggap ng pera, katumbas ng pera, o mga biyahe para sa libangan bilang bahagi ng pagsasagawa ng negosyo.
Iniiwasan at sinisiwalat natin ang mga sitwasyon kung saan maaaring sumalungat ang ating personal na interes sa interes ng ABB.
Iniiwasan natin ang mga sitwasyon kung saan maaaring magkaroon ng aktwal o potensyal na salungat sa pagitan ng ating interes at ng interes ng ABB.
Hindi tayo nakikialam o gumagawa ng mga desisyon sa ngalan ng ABB kung saan maaaring maapektuhan ng ating personal na interes ang ating paghuhusga. Kabilang dito ang mga desisyong may kinalaman sa mga kamag-anak, malalapit na personal na ugnayan, o mga personal na pinansyal na interes.
Iniiwasan natin ang mga gawaing panlabas na nakahahadlang sa ating responsibilidad sa ABB o maaaring makapinsala sa reputasyon ng kumpanya. Hindi tayo gumagawa ng external na trabaho habang nasa oras ng trabaho sa ABB o gumagamit ng resources ng ABB para sa mga ganitong gawain.
Irereport natin ang mga salungatan ng interes nang maaga at tapat, alinsunod sa mga proseso ng ABB at nagsasagawa tayo ng mga hakbang upang matugunan ang mga ito.
Nakikipagkumpitensya tayo nang patas at independyente at sumusunod sa lahat ng batas sa antitrust at patas na kompetisyon.
Iginagalang natin ang mga batas na nagbabawal sa mga kasunduan o gawain na naglilimita sa kompetisyon, kabilang ang sa pagitan ng mga kakompetitosyon o sa mga channel partner. Kinikilala natin na ang mga naturang batas ay may higit na paghihigpit para sa mga kumpanyang may dominanteng posisyon. Kung kinakailangan, humihingi tayo ng pagsusuri o pag-apruba mula sa mga regulator para sa mga merger at acquisition (M&A) at mga pakikipagtulungan, at sinusunod ang mga naaangkop na proseso.
Sumusunod tayo sa mga pandaigdigang regulasyon sa kalakalan at sa mga kinakailangan sa sanctions.
Sumusunod tayo sa lahat ng naaangkop na batas sa kalakalan, kabilang ang sanctions, mga kontrol sa pag-export at pag-import, at mga regulasyon sa customs.
Sinusuri natin ang mga transaksyon na cross-border at kung kinakailangan, ipinapaabot sa mas mataas na antas at tinutugunan ang anumang walang katiyakan tungkol sa ating mga produkto (ini-export o ini-import), mga partido, destinasyon, o layunin ng paggamit.
Tinitiyak natin na ang lahat ng mga transaksyong cross-border ay wastong nauuri at naitatala, gumagamit lamang ng mga vetted logistics at customs partner, at kumukuha ng lahat ng kinakailangang government licenses o pag-apruba.
Nakikipag-ugnayan tayo sa pamahalaan upang suportahan ang mga layuning pangnegosyo ng ABB.
Sa pakikipag-ugnayan sa mga pampubliko o opisyal ng pamahalaan, mga gumagawa ng patakaran, o mga regulator, malinaw at tapat nating ipinapaliwanag ang halaga ng ating mga produkto at serbisyo at tinitiyak na ang lahat ng impormasyong ating ibinibigay ay tama at batay sa masusing pananaliksik . Sumusunod tayo sa lahat ng mga batas at patakaran na namamahala sa lobbying, public procurement, at government funding.
Hindi tayo nagbibigay ng pinansyal o in-kind na donasyong pampulitika o sumusuporta sa mga partidong pampulitika, kandidato, o opisyal.
Hindi tayo nag-aalok ng mga regalo, paglalakbay, o hospitality sa mga pampubliko o opisyal ng pamahalaan upang maimpluwensyahan ang kanilang pagdedesisyon.
Nakikipag-ugnayan lamang tayosa mga kasosyong kapareho natin ng values at paninindigan.
Inaasahan natin na ang lahat ng ating kasosyo ay sumusunod sa mga naaangkop na batas. Upang mapamahalaan ang panganib at mapanatiling matatag ang ating value chain, nakikipagungyan lamang tayo sa mga kasosyong kapareho natin ng values at paninindigan sa etika, karapatang pantao, kaligtasan, pananagutan sa kapaligiran, at sustainability.
Inaasahan natin na ang ating mga kasosyo ay magrereport sa atin ng anumang aktwal o potensyal na paglalabag sa mga batas o sa ating Code of Conduct, Human Rights Policy, o Supplier Code of Conduct. Tinitiyak natin na ang ating mga kasosyo ay may sapat na kaalaman tungkol sa ABB Speak Up Helpline at nakikipagtulungan sa mga pagpapatupad ng mga pagpapabuti at corrective action kung may matukoy na mga problema.