MAGTRABAHO NANG LIGTAS AT SUSTAINABLE

Pinahahalagahan natin ang mga tao at ang ating planeta. Nagtataguyod tayo ng mas ligtas at mas inklusibong mga lugar ng trabaho, iginagalang ang karapatang pantao, nagsisikap na mabawasan ang epekto sa kapaligiran, at nagdudulot ng positibong pagbabago sa mga komunidad kung saan tayo nag-ooperate.

Pinahahalagahan natin ang isang lugar ng trabaho na magkakaiba at isang inklusibong kultura.

Itinuturing natin ang ating mga tao bilang pinagmumulan ng lakas at competitive advantage.

 

Nananatili tayong nakatuon sa isang magalang  na lugar ng trabaho na walang anumang anyo ng pang-aabuso, diskriminasyon, karahasan, at pananakot. Hindi natin pinahihintulutan ang nakasasakit na pananalita, kilos, asal, o anumang pag-uugali na lumilikha ng hindi ligtas, mapanlaban, o hindi magalang na kapaligiran.

 

Gumagawa tayo ng mga desisyon sa pag-empleyo batay sa mga pamantayan na may kaugnayan sa trabaho at ABB values. Nagbibigay tayo ng patas na sahod at makatarungang kondisyon sa trabaho, at inaasahan nating ganoon din ang ginagawa ng ating mga katrabaho.

Nagsusumikap tayong mabawasan ang ating epekto sa kapaligiran at makapag-ambag sa isang hinaharap na mababa ang carbon.

Layunin nating maiwasan ang polusyon, maprotektahan ang biodiversity, mabawasan ang mga emisyon at basura, mapangalagaan ang tubig at enerhiya, at mabawasan ang paggamit ng mga mapanganib na sangkap sa buong life cycle ng ating mga produkto.

 

Naghahanap tayo ng mga paraan upang mabawasan ang ating epekto sa kapaligiran at gamitin ang mga resources nang may pananagutan. Isinasaalang-alang natin ang epekto sa kapaligiran sa paggawa ng mga desisyon at hinihikayat ang mas sustainable na paraan ng pagtatrabaho.

 

Sumusunod tayo sa mga batas at pamantayan sa kapaligiran saan man tayo nag-ooperate. Inaasahan nating ganoon din ang pagsunod ng ating mga katrabaho.

Pinahahalagahan natin ang kaligtasan at bukas nating tinatalakay ang mga panganib upang makabuo at mapanatili ang mas ligtas na mga lugar ng trabaho.

Pinananagutan natin ang ating sariling kaligtasan at ng iba, pati na rin ang pagprotekta sa mga tao at mga pasilidad laban sa mga panganib sa seguridad. Proaktibo tayong kumikilos upang maiwasan ang mga aksidente, pinsala, at mga karamdamang may kaugnayan sa trabaho. Nagtratrabaho lamang tayo kapag nauunawaan natin ang ating mga gawain, may sapat na kakayahan  upang maisagawa ang mga ito, at may angkop na kagamitan.

 

Hindi tayo nagtratrabaho habang nasa ilalim ng impluwensya ng mga substansyang maaaring makompromiso ang kaligtasan. Ang kaligtasan ay laging inuuna, kahit may pressure. Itinitigil natin ang trabaho kung may hindi ligtas na sitwasyon.

 

Hindi natin binabalewala ang mga mapanganib na sitwasyon at nagsasawaga tayo ng mga makatwirang hakbang upang mabawasan ang mga panganib para sa ating mga empleyado at mga pasilidad. Inaasahan natin ang mga empleyado, contingent worker, kontraktor, at mga bisita na sumunod sa mga tuntunin sa kaligtasan at seguridad at magreport ng mga insidente, panganib, at mga hindi ligtas na kondisyon.

Nagsusumikap tayong magkaroon ng positibong epekto sa mga komunidad kung saan tayo nag-ooperate.

Sinusuportahan natin at pinauunlad natin ang mga inisyatibong naglalayong gawing mas maunlad  at sustainable ang ating mga komunidad. Tinitiyak natin na ang anumang donasyon o sponsorship para sa mga proyektong pangkomunidad ay naaayon sa ABB's community engagement strategy.

 

Nagsusumikap tayong maiwasan na magdulot ng negatibong epekto ng ating mga operasyon sa mga komunidad kung saan tayo nag-ooperate, at kumikilos tayo upang maitama ang mga ito kung mangyari man.

Sinusuportahan at iginagalang natin ang mga karapatang pantao at mga pamantayan sa paggawa sa lahat ng ating operasyon sa buong mundo.

Itinataguyod natin sa kabuuan ng ating negosyo ang mga prinsipyo ng karapatangpantao at mga pamantayan sa paggawa na nakasaad sa mga pangunahing pandaigdigang pamantayan at dokumento.

 

May pananagutan tayo sa pag-unawa sa mga panganib sa karapatang pantao sa ating pang-araw-araw na gawain at sa pagsasagawa ng mga kinakailangang hakbang upang matiyak na ang mga epekto sa karapatang pantao ay natutukoy, napipigilan, at natutugunan.

 

Hindi natin pinahihintulutan ang mga paglabag sa karapatang pantao, kabilang ang modern slavery, child labor, human trafficking o diskriminasyon. Iginagalang natinang mga karapatan ng mga bulnerableng tao at itinataguyod ang makatarungang mga kondisyon sa paggawa at ligtas na kapaligiran sa trabaho sa ating sariling mga operasyon. Inaasahan natin ang ating mga supplier at ibang pang kasosyo sa negosyo na ipatupad ang parehong mga pamantayan.

 

Irereport natin ang anumang potensyal na paglabag sa karapatang pantao at magsasagawa ng naaangkop na hakbang upang matugunan ang mga ito.

\

MGA DAPAT ALAMIN TUNGKOL SA ATING CODE OF CONDUCT

Kumilos nang may integridad

Kumikilos tayo nang responsable at bukas sa lahat, at pinananagutan natin ang ating mga desisyon at kilos. Nakikipagtulungan lamang tayo sa mga partners na may kaparehong values at paninindigan.

Protektahan ang mga ari-arian at reputasyon

May panangutan tayo sa pagprotekta sa mga ari-arian ng kumpanya, tulad ng sensitibong impormasyon, intelektwal na ari-arian, personal data, at mga kagamitan sa trabaho, laban sa malingpaggamit, pagnanakaw, pagkawala, o pinsala.

Bumuo ng tiwala at hikayatin ang kultura ng malayang pagsasalita

Nakatuon ang ABB sa isang kultura ng pagiging bukas at malinaw, kung saan ang mga empleyado at stakeholder ay nakikibahagi sa tuwirang pag-uusap at nadarama ang ligtas na pagsasalita. Hindi natin pinahihintulutan ang anumang paghihiganti laban sa Speak Up reporting at nakatuon tayo sa pagsusuri at pagtugon sa mga naireport na paglabag.