PROTEKTAHAN ANG MGA ARI-ARIAN AT REPUTASYON
May panangutan tayo sa pagprotekta sa mga ari-arian ng kumpanya, tulad ng sensitibong impormasyon, intelektwal na ari-arian, personal data, at mga kagamitan sa trabaho, laban sa maling paggamit, pagnanakaw, pagkawala, o pinsala.
Pinoprotektahan natin ang lahat ng kumpidensyal na impormasyon at intelektwal na ari-arian at inaasahan nating ganoon din ang gagawin ng iba.
May pananagutan tayo sa pagprotekta sa mga ideya, imbensyon, kaalaman, at kumpidensyal na impormasyon sa negosyo na pag-aari ng ABB, gayundin sa impormasyong ipinagkatiwala sa atin ng mga kustomer at mga kasosyo. Ang pagprotekta sa impormasyong ito ay nagpapanatili sa ating competitive advantage at ng tiwalang ibinibigay sa atin ng iba.
Nagbabahagi lamang tayo ng impormasyon sa mga awtorisado at may lehitimong pangangailangan sa negosyo. Ginagamit natin ang mga sistema ng ABB nang may pananagutan, wastong nilalagyan ng label at pinangangasiwaan ang impormasyon, at ibinabahagi lamang ito sa labas kung may naaangkop na mga safeguards.
Bago magbahagi ng mga bagong ideya, imbensyon, o kumpidensyal na impormasyon sa labas ng ABB, kumukonsulta tayo sa mga nararapat na eksperto. Palagi nating sinusuri ang pagmamay-ari at pahintulot bago gumamitng intelektwal na ari-arian.
Pinangangalagaan natin ang personal data at maingat natin itong hinahawakan, at inaasahan nating ganoon din ang gagawin ng iba.
Pinangangalagaan natin nang mabuti ang personal data. Kinokolekta at ginagamit lamang natin ang personal data na kailangan para sa malinaw at lehitimong layunin, at itinatago lamang ito hangga’t kinakailangan. Pinoprotektahan natin ang personal data ayon sa naaangkop na batas at sa Binding Corporate Rules ng ABB para sa pagkapribado ng data.
Kung malantad o makompromiso ang personal data, agad natin itong nirereport sa IS Service Desk.
Hindi natin ginagamit ang panloob na impormasyon tungkol sa ABB o sa ibang kumpanya para sa personal na pakinabang.
Pinananatili nating kumpidensyal ang hindi pampubliko o “panloob” na impormasyong maaaring makaapekto sa mga desisyon ng pagbili, pagbenta, o paghawak ng mga securities.
Hindi natin kailanman gagamitin ang panloob na impormasyon para sa personal na pakinabang, at hindi natin ito ibabahagi sa sinumang walang pahintulot na makatanggap nito, kabilang ang mga miyembro ng ating pamilya o mga kaibigan.
Itinatala at inirereport natin nang tama at malinaw ang ating impormasyong pinansyal alinsunod sa mga regulasyon at prinsipyo ng accounting.
Hindi natin kukunsintihin ang pandaraya, maling paglalarawan, o iba pang hindi wastong gawain sa pagre-rekord at pagre-report.
Tayo ay mapagmatyag sa pagtukoy ng mga transaksyong pinansyal na ginawa upang itago kung saan nagmula ang pera o kung sino ang mga kaugnay na partido.
Tayo ay nakikipag-ugnayan upang mapalakas ang ABB brand at maprotektahan ang reputasyon ng ABB.
Nakikipag-ugnayan tayo nang tapat at bukas, alinsunod sa ating brand positioning, at mga valuesng kumpanya.
Bago makipag-ugnayan, isinasaalang-alang natin kung ang ating mga mensahe ay maaaring ituring na mapanlait, makasasakit, mapangharass, mapagbanta, o mapanirang-puri. Iginagalang natin ang pagiging kumpidensyal, pagkapribado, at mga kinakailangan ng batas.
Tinitiyak natin na ang ating mga komunikasyon ay tumpak, batay sa mga katotohanan, at hindi mapanlinlang. Nagsasalita lamang tayo sa ngalan ng ABB kapag awtorisado tayong gawin ito.
Ginagamit natin ang teknolohiya ng impormasyon nang responsable.
Ginagamit natin ang mga IT system at device ng ABB nang responsable at para sa mga lehitimong layunin ng negosyo lamang. Pinoprotektahan natin ang mga ito laban sa maling paggamit, pagkawala, o pag-atake.
Nananatili tayong mapagmatyag sa mga cyber risks, mga scam, at mga pagtatangkang manlinlang, kabilang ang mga email, mensahe, tawag, o content na ginawa gamit ang artificial intelligence. Hindi tayo nagki-click ng mga kahina-hinalang link o attachment, at agad nating nirereport sa IS Service Desk ang mga pinaghihinalaang insidente sa seguridad at mga kahina-hinalang email.
Gumagawa, nagde-deploy, at gumagamit tayo ng artificial intelligence sa paraang ligtas, legal, etikal, at naaayon sa ating mga values, modelo ng pamamahala , at mga pamamaraan sa pamamahala ng panganib. Nananatili tayong may pananagutan sa lahat ng desisyon at resultang may kaugnayan sa paggamit ng artificial intelligence.
Tinitiyak natin ang makabuluhang pangangasiwa ng tao kapag gumagawa, nagde-deploy, at gumagamit tayo ng artificial intelligence.